Sing bigkis ng walis
Ang walis ay isang bigkis,
ng mga ting-ting na pinagkapit-kapit,
Walang isang nakabukod,
Pagkat lahat ay buklod-buklod.
Ang walis ay matibay,
kahit tali ay malubay,
nananatili pa ding nakatayo,
pagkat walis ay isang buo.
Tulad ng walis,
ang komunidad ay isa ring bigkis,
bigkis ng mga taong mababait,
kahit ang iba'y ngumingiti ng mapait.
Ang ting-ting ay parang tayo,
dahil tayo'y matatag,
hinding-hindi matitibag
sapagkat tayo ay buo.
You must be logged in to post a comment.